Ilang kalsada sa Maynila, naglabasan ang mga butas dahil sa patuloy na pag-ulan

Nagsimula nang maglabasan ang maraming mga butas at lubak sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dahil sa baha at malakas na pagbuhos ng ulan.

Kabilang dito ang kahabaan ng Roxas Blvd. sa north at south bound, mula sa Rizal Park hanggang sa makalagpas ng Philippine Navy Headquarters.

Ganito rin ang sitwasyon sa Quirino Avenue kanto ng Plaza Dilao at Pedro Gil.


Ilan din sa mga motorista ang nabutasan na ng gulong matapos mapadaan sa malalim na lubak.

Agad namang nagpakalat ng team ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para mag-aspalto sa mga pangunahing lansangan lalo na sa Roxas Blvd.

Habang ang ilang tauhan ng DPWH ay nagsagawa ng clearing operations sa mga iniwang kalat at mga basura na tinangay ng baha sa mga kalye at mga bangketa.

Facebook Comments