Ilang kalsada sa Pampanga nilimitahan ang mga sasakyang pinararaan

Ligtas pa ring daanan ang mga kalsada sa Pampanga na nagkaroon ng bitak matapos ang magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.

Pero ayon kay Angelina Blanco, Provincial Disaster Risk Reduction Officer sa Pampanga, light vehicles lang o mga maliliit na sasakyan ang pinapayagang makadaan sa mga naapektuhang daanan.

Kabilang na rito ang Lucao Road, Dinalupihan Road, Mega Dike, Access Road at Florida Blangca Consuelo Bridge.


Sabi ni Blanco, nagpapatuloy ang inspeksyon sa mga naapektuhang mga daanan.

Facebook Comments