Ilang kalsada sa Pasig City, pansamantalang isinara

Simula ngayon araw hanggang Linggo, sarado sa mga pribadong sasakyan at truck ang kalsada ng Sandoval Avenue kanto ng San Lorenzo at Sandoval Ave., kanto ng Kenneth Road sa Pasig.

Batay sa abiso ng pamahalaang lungsod ng Pasig, ito ay para bigyan daan ang rehabilitasyon ng mga sirang kalsada na proyekto ng Manila Water.

Tatagal ang nasabing gagawing mga rehabilitasyon sa mga kalsada ng Pasig hanggang October 19, 2021.


Kaya payo ng Traffic Management Office ng Pasig na gamitin ang mga alternatibong ruta at sundin ang mga signage para sa mga maaaring daanan ng mga truck at pribadong mga sasakayan.

Bantayan din ang kanilang mga update sa official Facebook account ng Pasig City Government para malaman kung anong mga kalsada ang susunod na isasara ng dahil sa road rehabilitation project ng Manila Water.

Humihingi naman ito ng paumanhin sa mga maapektuhang motorista.

Facebook Comments