Ilang kalsada sa Valenzuela, hindi pa rin madadaanan ng mga light vehicles

43

‘Not passable’ sa light vehicles ang Mac Arthur Highway sa may Pio Valenzuela corner Marulas dahil 11-13 inches ang baha.

Hindi naman madadaan sa lahat ng uri ng sasakyan ang kalsada sa bahagi ng Wil Oil Gas Station sa may Veinte Reales dahil 38-40 inches ang baha gayundin ang daan sa Corner Pinagbayanan Lingunan ay ‘not passable’ din sa lahat ng sasakyan dahil 42-44 inches ang baha.


‘Not passable’ naman sa mga light vehicles ang G. Lazaro corner I Fernando dahil 15-16 inches ang taas ng baha.

Samantala, ang ibang kalsada sa Valenzuela ay madadaanan na ng lahat ng uri ng sasakyan.

Ngayong hapon naman ay dumating ang mga karagdagang supplies para sa mga inilikas na residente.

Dagdag na pagkain, malinis na tubig at bigas ang dinala ngayon sa ilang evacuation centers sa lungsod.




Facebook Comments