
Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang kalye sa loob ng Intramuros ngayong araw.
Ito ay para sa isasagawang inagurasyon ng Phase 3 ng Pasig Bigyang Buhay Muli Project.
Unang abiso ng pagsasara mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi pero bilang konsiderasyon sa mga papasok sa trabaho, ipatutupad ang road closure ng alas-9:00 ngayong umaga.
Kasama sa mga isasara ang Magallanes Drive (harap ng Immigration), Muralla St., General Luna Street (harap ng Palacio del Gobernador), A. Soriano Avenue, Riverside Drive, at Binondo-Intramuros Bridge.
Kasama rin sa mga tigil-operasyon o isasara muna ngayong araw ang Fort Santiago, Baluarte de San Diego, Centro de Turismo Intramuros, at Museo de Intramuros.
Facebook Comments