Ilang klase ng pampublikong paaralan sa Region 8, sinuspende ayon sa DepEd

182

Kinumperma nga pamunuan ng Department of Education (DepEd) na nagdeklara ng class suspension ang ilang paaralan sa rehiyon otso.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang particular na lugar sa Region 8 na nag deklara ng class suspension ay ang Maasim City Southern Leyte mula sa Kindergarten hanggang elementary levels.


Aniya ito ay ang Lilimasin National Highschool, Ano Elementary Schools, Bolingit National Highscool, Coliling National highscool, Ignacio Centeno Elemntary School at Nelintap Elementary School.

Pero nilinaw ni Briones na ang naturang class suspension ay hindi kaugnay sa 2019 Novel Coronravirus Acute Respiratory Disease (nCoV ARD).

Ito anya ay dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon sa nabbing lugar na dulot ng hanging aminhan na nakaapekto sa Eastern Visayas.

Facebook Comments