Ilang kalye sa Pasay at Makati, isasara para sa gaganaping ASEAN Summit sa Abril 26-29

Manila, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Pasay
City at Makati City para sa gaganaping 30th ASEAN Summit sa Abril 26-29.

Sa nasabing petsa, magpapatupad ng rerouting scheme ang Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA) at kabilang sa pansamantalang isasara sa
motorista ang Senator W. Diokno Boulevard, Jalandoni, Bukaneg, V. Sotto,
Dela Rama, Makati Avenue, at Pasay Road.

Abiso ng MMDA, asahan nang mas sisikip ang trapiko sa mga nabanggit na
lansangan na malapit sa pagdarausan ng summit.


Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalsada at
gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Facebook Comments