Sunday, June 14, 2026

Ilang kongresista, pumalag sa pagpapatalsik kay Barzaga bilang miyembro ng Kamara

Mariing pinalagan ng ilang mga kongresista ang pagpapatalsik kay dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga bilang miyembro ng Kamara dahil sa kinaharap nyang ethics complaint.

Ayon kay Davao Rep. Isidro Ungab, hindi dapat higitan ng parusa kay Barzaga ang mandato na ibinigay sa kanya ng mamamayan ng kanyang distrito sa Cavite.

Tiniyak ni Sagip Partylist Rep. Paolo Henry Marcoleta na ang pagsipa sa kamara ay hindi magpapatahimik kay Barzaga sa pagpuna sa mga katiwalian sa gobyerno.

Nangangamba naman si Navotas Rep. Toby Tiangco na ang masyadong mabigat na parusa kay Barzaga ay maghatid ng takot sa mga kongresista para magsalita.

Si Caloocan Rep. Edgar Erice, napakanta pa ng sabihin nyang anuman ang mga social media post ni Barzaga ay hindi sapat na rason para pagkaitan ng kinatawan sa kamara ang mamamayan ng Dasmariñas, Cavite.

Facebook Comments