Tinitiyak pa rin umano ng ilang konsyumer sa Mangaldan na dekalidad pa rin ang kanilang binibiling bigas sa kabila ng pagbaba sa presyo ng kada kilo ng ilan sa local rice.
Anila, mababa na umano ang presyo ng broken rice na nasa 34 pesos ngunit mas pinipili pa rin nila ang ilang local rice na nasa 40-42 pesos ang kada kilo dahil sa maganda-ganda na rin nitong klase.
Isa rin sa kinikilatis nila ay ang amoy ng bigas.
Ayon naman sa ilang rice retailers, tinitiyak rin nila na ang mga suplay ng bigas na kanilang kinukuha ay kalidad ay ligtas na makokonsumo ng mga mamimili.
Naramdaman din nila ang mababang kuha nila sa kada sako ng bigas kung kaya’t bumaba pa umano ang presyo sa kada kilo nito sa ngayon.
Samantala, naglalaro ang presyo ng local rice mula 34-45 pesos ang kada kilo habang 50-57 pesos naman sa imported rice. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣