Ilang lanes ng Commonwealth Avenue mababawasan pa simula bukas

25

Manila, Philippines – Madagdagan pa ang pasanin at kalbaryo ng mga motorista matapos magbigay ng traffic advisory ang MRT-7 Traffic Management Task Force na sisimulan na nila ang konstruksyon ng guide way para sa Station 3 ng MRT 7 bukas.

Ayon Ken Gamutan malaking sakripisyo ang kanyang gagawin dahil araw araw ay umuuwi siya sa Fairview at dumadaan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para pumasok sa kanyang trabaho sa Makati City kung saan sisimulan ang konstruksyon ng guideway para sa Station 3 ng MRT 7, mula pitong linya magkabilang direksyon North at Southbound ay babawasan ng dalawang linya mula University Avenue hanggang Central Avenue para sa konstruksyon na inaasahang matatapos sa huling buwan ng Abril 2018.

Inaasahang aabutin ng hanggang Abril ng susunod na taon ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line-7.

Ang 22-Kilometrong Rail Transit System ang mag-uugnay sa North Avenue , Quezon City at San Jose Del Montw City , Bulacan.

Binubuo ng 14 na istasyon na kinabibilangan ng North Avenue ; Quezon City Memorial Circle ; University Avenue ; Tandang Sora ; Don Antonio ; Batasan ; Manggahan; Doña Carmen; Regalado ; Mindanao Avenue ; Quirino ; Sacred Heart; Tala; at San Jose Del Monte.

Facebook Comments