ILANG LGU SA PANGASINAN NA NAPASAMA SA NAGSUSPINDE UMANO NG KLASE DAHIL SA NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE, NILINAW ANG DEKLARASYON

Nilinaw ng mga lokal na gobyerno ng tatlong lugar sa Pangasinan ang kaugnay sa pagkakasama ng mga ito sa mga nagsuspinde ng klase ngayong araw bunsod ng nagaganap na nationwide strike ng isang transport group.
Kinumpirma ng mga lokal na pamahalaan ng Dagupan, Lingayen at Binmaley na hindi kasama ang mga ito sa mga nagdeklara ng may f2f class suspension at may pasok ang mga paaralan at unibersidad.
Ilang mga estudyanteng Pangasinense naman ang umasa umano na walang klase ngayong araw alinsunod sa tigil pasada.

Samantala, hindi kasali ang lalawigan ng Pangasinan sa transport strike kaya naman walang magiging problema sa operasyon ng pamamasada ng mga PUVs sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments