Simula ngayong araw hanggang sa biyernes ipapatupad ang adjusted class hours sa mga pampublikong paaralan sa Pangasinan bunsod ng mataas na heat index na maaaring maranasan ngayong linggo.
Kabilang sa mga LGUs na nagpatupad ng kautusan ay ang Malasiqui at San Fabian. Magsisimula ang klase sa mga nabanggit na lugar mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali.
Ipatutupad naman ang modular learning sa hapon para sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan. Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng matinding init ng panahon.
Samantala, ipinauubaya naman sa mga administrador at opisyal ng mga pribadong paaralan kung kanilang ipatutupad din ang nasabing polisiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments