Ilang Local Government Officials, sinampahan ng reklamo ng DENR sa paglabag sa Solid Waste Management Act

60

Sinampahan ng reklamo ng Department of Environment and Natural Resources ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa pag-o-operate ng Open Dumpsite.

Kabilang sa mga inireklamong paglabag sa Solid Waste Management Act ay si dating Liman, Bataan Mayor Lilvir Roque.

Dawit din ang tatlong dating tauhan.


Nahaharap din sa kaso si Incumbent Tabacco, Albay Mayor Krisel Lagman Luistro na nauna na ring inireklamo sa Ombudsman pero tuloy pa rin ang operasyon sa dumpsite sa isang nasasakupang Barangay.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, unang batch pa lamang ito ng paghahain nila ng reklamo.

Facebook Comments