Ilang lugar sa bansa deklaradong walang pasok sa susunod na linggo

294

Idineklara ng Palasyo na Special non-working day ang Pebrero 27 sa General Santos City.

Sa proclamation no. 904, deklaradong walang pasok sa Huwebes sa City of General Santos kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 81st Founding Anniversary at 31st Kalilangan Festival.


Habang sa Pebrero 28 naman araw ng Biyernes ay deklaradong Special non-working day sa Escalante, Negros Occidental

Bunsod ito ng pagdiriwang ng nabanggit na lugar ng kanilang Charter Anniversary.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang mga proklamasyon nitong ika-17 ng buwang kasalukuyan.

Alinsunod, sa panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE), makakatanggap ng 30% na dagdag sa daily wage ang sinumang papasok sa trabaho sa nasabing petsa at nabanggit na lugar.

 

Facebook Comments