Ilang lugar sa Cebu, nakaranas ng pagyanig kahapon

215

Cebu, Philippines – Nakatulong sa mga paraalan sa Cebu ang pagsasagawa ng earthquake drill, dahil nasampulan ito kahapon nang niyanig ng Intensity 5 na lindol ang Cebu.

Nangyari ang lindol habang nasa klase pa ang mga mag-aral sa elementarya at high school gaya na lang ng mga estudyante ng University of the Philippines Foundation sa Cebu City at Pilar National High School sa Pilar Camotes Island, kalmadong lumabas sa kanilang mga classroom ang mga mag-aaral at mga guro,at nagtipon sa school grounds.

Dahil patapos na ang mga klase ng mga mag-aaral minabuti na lang na magtipon sa school grounds at hindi na bumalik sa kanilang mga classroom hanggang masiguro na kalmado na ang sitwasyon.


Wala namang naitalang danyos sa imprastruktura ang intensity 5 na lindol na nararanasan sa Cebu kahapon.

Maliban sa Cebu City, nakaramdam din ng pagyanig ang lungsod ng Bogo sa Northern Cebu, at bayan ng Barili sa Cebu City.

Facebook Comments