Ilang lugar sa Nueva Ecija, isinailalim na rin sa quarantine matapos magkaroon ng bird flu virus

Nueva Ecija – Isinailalim na rin sa quarantine ang ilang lugar sa Nueva Ecija matapos mapabalita na umabot na rin doon ang bird flu virus.

Ito’y makaraang kumpirmahin ni Agriculture Sec. Manny Piñol na may mga namatay ngang manok sa Jaen at San Isidro dulot ng bird flu.

Ayon sa kalihim, quail at layered poultry farm ang apektado ng naturang sakit.


Gayunman, sinabi ni Piñol na ang kaso sa Nueva Ecija ay kahalintulad din sa Pampanga kung saan type a subtype H5 ang nakita.

Sinabi naman ni Jaen, Nueva Ecija Mayor Sylvia Austria, may mga inilatag na silang precautionary measure.

Hindi pa naman madetermina ng DA kung anong strain ng virus ang nasa Nueja Ecija dahil isasailalim pa ito sa laboratory test.

Facebook Comments