Ilang lungsod sa Metro Manila, Cavite, mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw

Labing-pito hanggang labing-siyam na oras na makararanas ng water service interruptions ang ilang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad sa Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque at Cavite ngayong araw.

Nagsimula ang water interruptions kaninang alas-11:00 ng umaga na tatagal hanggang alas-4:00 ng madaling araw bukas, February 1.

Habang alas-6:00 pa ng umaga bukas inaasahang babalik ang suplay ng tubig sa ilang lugar.


Ayon sa Maynilad, bunsod ito ng matagal nang nararanasan na high raw water turbidity o malabong tubig dahil sa hanging amihan.

Humingi naman ng paumanhin ang water concessionaire at tiniyak na magdedeploy ng mobile water tankers sa mga apektadong barangay.

Facebook Comments