Binigyang diin ng ilang magulang sa Dagupan City ang proteksyon ng kanilang mga anak laban sa bullying na posibleng maranasan sa loob at labas ng paaralan.
Ani ng ilang magulang, nakatulong umano sa kanila ang mga isinasagawang seminar ng paaralan sa pagbabalik eskwela patungkol sa mga ganitong usapin lalo at hindi nila laging nakikita ang mga kilos at nakakasalamuha ng kanilang mga anak sa paaralan.
Dapat din umano na magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa mga batas na pumoprotekta sa kanila upang maiwasan at malabanan ang bullying.
Hindi rin umano dapat ipagwalang-bahala ang mga nagkukuwento ng mga bata sa tuwing nakatatanggap ng masasakit na salita dahil maaaring makaapekto rin ito sa kanilang emosyonal na aspeto.
Sa ngayon, patuloy ang mga isinasagawang seminar sa mga balik eskwela program ng mga paaralan upang maiparating at mapalawak pa ang kaalaman ukol sa mga ganitong klase ng usapin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣