Ilang mambabatas, nakatanggap ng regalo mula kay Marinduque Rep. Velasco

181

Manila, Philippines – Kinumpirma ng ilang kongresista na nakatanggap sila ng regalo galing kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Ayon sa isang kongresista na tumangging magpabanggit ng pangalan, nakatanggap siya ng mga regalo mula kay Velasco ng mga gift bags at mamahaling cellphone ilang araw pagkatapos ng midterm election.


Ang gift bags umano ay may tatak ng kumpanyang pagmamay-ari ng negosyanteng si Ramon Ang na lumutang ang pangalan dahil sa pagsuporta sa speakership ni Velasco.

Maging noong kasagsagan ng halalan ay namigay pa si Velasco ng kahong kahong alak na negosyo ng business tycoon.

Hindi naman matiyak ng mambabatas kung lahat ba ng mga kongresista ay nabigyan ng regalo.

Sinabi ng mambabatas na posibleng paraan ito ni Velasco ng pagpapakilala lalo at bagito ito sa lahat ng mga pangalang lumutang sa pagka-speaker at hindi ganun na matunog sa debate at pagdating sa performance sa Kamara.

Facebook Comments

From Advertisers