Ilang manggagawa ng Pasay at Parañaque, nabiyayaan ng special package ng Radyo Trabaho at RMN Foundation

27
Samuel Cabanes - higit isang oras naglalakad sa trabaho, welder sa LRT depot

Labis ang tuwang naramdaman ng ilang manggagawang nakatanggap ng special package mula sa DZXL Radyo Trabaho at RMN Foundation bilang bahagi ng selebrasyon ng 68th Anniversary ng RMN, 8th Anniversary ng RMN Foundation at 2nd Anniversary ng DZXL Radyo Trabaho.

Gaya na lang ni Samuel Cabanes ng Pasay na isang Welder na naglalakad ng isang oras makarating lang sa kaniyang pinapasukan.


Kung siya ang manalo sa ating Bisekle-trabaho promo ay malaki ang maitutulong ng bisikletang mapapanalunan niya at mababawasan ang kinakaing oras sa kaniyang pagtungo sa trabaho.

Iikot pa ang Radyo Trabaho team sa Muntinlupa at Las Piñas para makahanap pa ng ibang mabibiyayaan ng special package kaya’t mag-abang na at baka kayo na ang susunod na mabiyayaan ng package na ito!

Facebook Comments