ILANG MANGINGISDA SA MASINLOC, ZAMBALES, DAING ANG MATUMAL NA HULI AT BENTAHAN NG ISDA

Kakaunti hanggang sa walang huling isda, yan ang patuloy na idinadaing ng ilang mangingisdang naabutan ng IFM NEWS Dagupan sa Masinloc, Zambales, kahapon.

Ayon sa kanila, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtumal ng pangingisda ay ang masamang lagay ng panahon na pumipigil sa mga mangingisda na makapalaot nang ligtas dahil sa babala ng “heavy to intense rains” ayon sa PAGASA.

Bukod pa rito, ikinabahala rin ng mga mangingisda ang patuloy na presensya ng Chinese Coast Guard sa mga baybaying dagat na karaniwang pinagkukunan nila ng isda.

Dahil dito, marami sa kanila ang pinipiling huwag nang pumalaot, dala ng pangamba sa kanilang kaligtasan.

Sa gitna ng mga hamong ito, umaasa ang mga mangingisda na mabibigyang pansin ng pamahalaan ang kanilang kalagayan at matulungan silang makabangon mula sa patuloy na paghina ng kanilang kabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments