Ilang manlalaro ng NBA, nagpositibo sa COVID-19

49

Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang manlalaro ng Golden State Warriors at isa sa Washington Wizards sa isinagawang individual 2020-21 pre-season workouts.

Ayon kay Wizards Coach Scott Brooks, isa sa kanilang manlalaro ang nagpositibo sa Coronavirus at hindi makalalahok sa training camp ngayong Linggo.


Base sa health and safety protocol ng National Basketball Association (NBA), ang manlalaro na magpopositibo sa virus kahit walang sintomas ay kailangang maghintay ng 10 araw o kailangang ma-test na negatibo ng dalawang beses sa loob ng 24 oras.

Nakatakdang magbukas ang NBA pre-season games sa December 11 habang ang regular season ay sa December 22.

Facebook Comments