Ilang may-ari ng itinatayong istraktura sa Pasig City, kakasuhan ng LGU

19

Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto na kanilang ng kasong kriminal at sibil ang may-ari ng itinatayong ilang istruktura sa lungsod dahil sa mga paglabag.

Kasunod ito ng umano’y ginawang paghahamon pa ng building owner sa opisyales ng Pasig City Government na nagtungo sa lugar.

Batay sa mahabang salaysay ni Mayor Sotto na ipinost sa kanyang Facebook, tadtad umano ng mga paglabag ang hindi niya pinapangalanan pang may-ari ng itinatayong istruktura.

Sabi ni Sotto, nagtungo sa lugar ang mga opisyales ng barangay at lungsod para ipaliwanag ang mga violations gaya ng pagsira sa bahagi ng kalsada, pagsakop ng itinatayong gusali sa daan at paglampas sa bilang ng dapat lang na palapag batay sa nakasaad sa permit pero nauwi sa kaguluhan.

Nag-hire pa umano ng armadong mga private security ang building owner na tinawag niyang napakabastos makipag-usap.

Paliwanag ng alkalde, bukod sa nagkakalat ng kwento ay ito rin aniya ang dating naghain ng reklamo sa Malacañang laban sa LGU.

Viral na ngayon sa Facebook ang palaban na pahayag na ito ni Mayor Vico Sotto.




Facebook Comments