Ilang mga bata sa Quezon City, ikinatuwa ang natanggap sa regalo mula sa DZXL 558 Radyo Trabaho

29

Sa pag-iikot ng DZXL 558 Radyo Trabaho rito sa Quezon City mula alas-7:00 ng umaga hanggang ngayong tanghali, nasa sampung mga bata na ang nakatanggap ng regalo mula DZXL 558 Radyo Trabaho.

Lahat sila ay nabigyan ng Batang RT T-Shirt, personalized face mask at regalo bundle.


Ilan sa mga nakatanggap ay sina Darwin Macalintal, 9, at Niño Macalintal, 8.

Sila ay parehong nakatira sa lansangan sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Gulod, Quezon City.

Laking tuwa naman ng mga bata dahil may bago silang T-shirts, face mask at iba pang regalo.

Ayon naman sa tatay ng mga bata na si Narciso, maliit lang ang kaniyang kinikita sa pangangalakal kaya hindi niya makayanang makakuha ng bahay na mauupahan.



Ito ang unang araw ng DZXL Radyo Trabaho na Batang RT; Batang Radyo Tatak DZXL, Radyo Trabaho gift giving activity.


Layunin niyong maipadama ang pagmamahal at kasiyahan sa mga batang lansangan sa simpleng paraan ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments