Ilang mga indibidwal na nais kumuha ng visa, nagpalipas ng magdamag sa labas ng Korean Embassy

58
Photo: Radyoman Emman Mortega | RMN DZXL 558

Nagpalipas na ng magdamag sa kalsada ang ilang indibidwal na nais kumuha ng visa sa tapat ng Korean Embassy sa Taguig City.

Partikular sa McKinley Town Center sa Upper McKinley Road sa Fort Bonifacio.

Mula pa kagabi ay mahaba na ang pila ng mga visa applicant.


Ito’y matapos na ianunsyo ng Korean Embassy na hindi na sila tatanggap ng walk-in visa applicants.

Batay sa anunsiyo ng embahada, Simula September 15, 2022 ay hindi na maaari ang walk-in applicants at kailangan nang magpa-schedule online.

Halos nasa higit 100 indibidwal ang nakapila dito mismo sa gilid ng Korean Embassy partikular sa Upper McKinley Road.



Ang iba sa kanila ay nais magpunta ng South Korea para magtrabaho habang ang ilan ay plano naman na magbakasyon.

Facebook Comments