ILANG MGA LOKAL DANCERS SA PANGASINAN, NAGPAKITANG GILAS SA ISANG DANCE COMPETITION

Isinagawa ang dance competition na “My Street 4 Pangasinan Qualifiers” nito lamang nakaraang Sabado, May 27 ngayong taon na ginanap sa Dagupan City. Ang nasabing kompetisyon ay isang qualifying event kung saan ang mananalo ay nirerepresenta hindi lang ang ating probinsya kundi buong North at Central Luzon sa darating na National Main event sa June 10-11 ngayong taon.
Ang mga ibang kalahok ay nagmula pa sa La union, Baguio City, Zambales at dito sa Pangasinan. Ayon sa event organizer na si Marj Kevin Pacheco, ang layunin ng nasabing kompetisyon ay makapagbigay espasyo sa mga kabataan upang maipakita ang kanilang talento, talas ng isip at creativity dahil lahat ng categories ay impromptu or freestyle.
Dagdag pa niya, huwag matakot o mahihiyang ipakita ang regalong talento na ibinigay sa inyo. Gamitin ito para makapag inspire sa ibang tao.

Facebook Comments