Ilang mga lugar sa Bacoor at Imus sa Cavite, Muntinlupa at Parañaque, mawawalan ng suplay ng tubig sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo

Mawawalan ng supply ng tubig sa ilang mga lugar sa Bacoor at Imus sa Cavite, Muntinlupa at Parañaque dahil sa isasagawang maintenance activities sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo (April 17 at 18).

Nag-abiso ang water concessionaire na Maynilad, na kabilang sa aktibidad ay ang pagsasaayos ng Poblacion Water Treatment Plant mula 6:00 ng gabi ng Miyerkules Santo hanggang 6:00 ng umaga ng Huwebes Santo.

Magkakaroon din ng generator set testing at fire suppression system integrity testing, na importante para sa pasilidad.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang customers ng Maynilad na mag-imbak ng tubig bago ang nakatakdang maintenance activities.

Magde-deploy naman ang Maynilad ng mobile water tanks para maghatid ng potable water, at maglalagay rin stationary water tanks sa ilang key locations para sa mas madaling access.

Para sa kumpletong listahan ng mga apektadong lugar, bisitahin ang opisyal na Facebook Page ng Maynilad.

Facebook Comments