Ilang mga lugar sa Western Visayas, itinuturing ng Comelec na “areas of concern”

Muling nadagdagan ang bilang ng mga lugar na tinututukan ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa mga insidente na may kinalaman sa eleksyon.

Ilan sa nadagdag na idineklara ng Comelec na areas of concern para sa eleksyon ay ang ilang lugar sa Panay Island at Negros Island.

Siyam na lugar sa Iloilo ang binabantayan ng Comelec kabilang na ang bayan ng Calinog na isinailalim na sa red category dahil sa dating mga kaso ng election violence.


Nasa dalawang lugar sa Capiz ang tinututukan din ng Comelec; isa sa Antique at lima sa Negros Occidental.

Dahil dito, aabot na sa halos 40 lugar sa bansa ang isinailalim na sa ares of concern ng Comelec kung saan ang mga ito ay babantayan at tutukan upang masiguro na magiging maayos ang eleksyon.

Facebook Comments