
Hindi na nakapalag pa ang apat na indibidwal nang madakip sila ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta at paggawa ng mga pekeng dokumento.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina Amado Depacto, John Mark Gemillan, John Tarvy Torres, at Christine Apolinar na pawang mga residente ng LRC Compound, Brgy. 310 sa Sta. Cruz.
Nasakote sila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station-14 matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal nilang gawain.
Ikinasa ang operasyon sa isang pwesto sa bahagi ng C.M. Recto Avenue na sakop ng Brgy. 395 kung saan huli sila sa akto na nagbebenta ng pekeng dokumento.
Nakuha sa kanila ang isang diploma na kagagawa lang, at dalawang school transcript of records (TOR).
Facebook Comments