Hindi lamang timbangan ang madaya, maging ang mga ginagamit na mga palanggana ng ilang mga vendors umano sa pampublikong pamilihan ang kinukumpiska sa Dagupan City.
Ito ang kinumpirma ni Task Force Anti-Littering Carlos Galvez sa naging panayam nito sa IFM News Dagupan.
Ayon sa kanya, ang ibang plangganang ginagamit, mayroon na umanong bigat.
Marami rin umano ang natatanggap na mga reklamo mula sa konsyumer na agad namang tinutugunan ng kanilang tanggapan.
Samantala, patuloy ang inspeksyon ng Anti-Littering Task Force sa mga pamilihan sa lungsod upang matiyak ang patas na kalakalan sa pagitan ng mga vendors at consumers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments