Muling nagpahayag ng reaksyon at sentimyento ang ilang residente ng Urdaneta City ukol sa kasalukuyang kinakaharap na isyu ng lungsod.
Sa ilang mga nakapanayam ng IFM News Dagupan, inihayag ng mga ito ang patuloy nilang suporta sa alkalde sa kabila ng pagkakasuspinde nito sot Hiling din ng ilan na sana umano ay kahit pagkatapos ng eleksyon, magpatuloy pa rin ang mga serbisyong nasimulan at nararapat para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ang ilan naman, nananatiling neutral dahil ayaw umanong madamay kung sa isyu. Samantala, kahapon isinilbing muli ang pagpapatupad umano sa suspension order laban sa alkalde at bise-alkalde ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments