Ilang mga senador, nag-concede na sa mga tinakbuhang pwesto ngayong halalan

Nagpahayag na rin ng kanyang pasasalamat at pamamaalam si Senator Francis Tolentino sa lahat ng mga sumuporta at tumulong sa kanya nitong nagdaang halalan.

Si Tolentino ay nasa ika-25 pwesto sa pagka-senador sa katatapos na 2025 midterm elections.

Aminado si Tolentino na nahirapan siyang magpaliwanag mag-isa sa mga isyung kinakaharap sa West Philippine Sea.

Gayunman, hangad ng senador ang tagumpay ng mga nanalo sa halalan at nagpasalamat din siya sa suporta mula sa partidong Alyansa para sa Bagong Pilipinas at kay Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, tinanggap na rin ni Senator Cynthia Villar ang resulta ng Congressional race sa Las Piñas laban sa katunggali niyang si Mark Anthony Santos.

Ayon kay Senator Cynthia, hindi man siya pinalad na maging kinatawan sa lungsod ay hindi naman siya titigil sa pagsusulong sa mga programa at adbokasiyang makakatulong sa bayan.

Samantala, kagabi ay nauna na ring nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Senator Ramon Bong Reviila sa mga kababayang sumuporta at nagtiwala sa kanya at hiniling ang patuloy na pagkakaisa ng bansa.

Facebook Comments