
Nasunog ang isang commercial area sa Paso de Blas sa Valenzuela City ngayong umaga.
Partikular na nasunog ang ilang mga stalls o tindahan sa loob ng Valenzuela Gateway Complex.
Nagsimula ang sunog ng alas-5:46 ng umaga kung saan mabilis na kumalat ang apoy kung saan inabot ito ng ikatlong alarma.
Alas-7:11 ng umaga naman ng ideklarang fireout ang sunog habang isang lalaki at isang babae ang naitalang sugatan sa insidente na nasa maayos naman na kalagayan.
Hindi pa tiyak kung anong pinagmulan ng apoy pero ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng nagsimula ito sa isa sa mga stall sa tiangge.
Facebook Comments










