Ilang militanteng grupo, nagkilos-protesta sa EDSA Shrine para ipanawagan na tanggalin ang pondo sa unprogrammed allocation sa proposed 2026 national budget

Nanawagan ang Akbayan Party-list sa Kongreso na tuluyang alisin ang lahat ng Unprogrammed Appropriations sa 2026 national budget upang ipakita ang buong pagtutol sa korapsyon.

Ayon sa grupo, habang inaasahang ipapasa ng House of Representatives ang General Appropriations Bill sa ikalawang pagbasa, dapat pagtuunan ng pansin ang ₱43 bilyong pondo na maaaring maging “itim na butas” ng korapsyon kung hindi ito mababantayan.

Ang unprogrammed allocation ay madalas nagiging “secret fund” o “ghost fund control projects,” kaya’t dapat itong tanggalin.

Kung kailangang magdagdag ng pondo, maaari namang ipasa ang supplemental budget sa halip.

Dagdag pa ni Khyla Meneses, convenor ng Youth Against Kurakot, nananawagan ang kabataan ng mas mahigpit na pananagutan mula sa mga pinuno sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ang panawagan ay bahagi ng White Friday Protest sa EDSA Shrine, na layuning ipakita ang pagkakaisa ng mamamayan para sa mas transparent at tapat na paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Samantala, muling nilinaw ni Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian Convenor Kiko Aquino Dee na hindi sila mananawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang protesta.

Facebook Comments