Ilang motorista, stranded sa Lopez, Quezon dahil sa hanggang bewang na baha

72

Hindi pa rin madaanan ang ilang national roads sa lalawigan ng Quezon dahil sa hanggang bewang na baha bunsod ng Bagyong Pepito.

Sa bayan ng Lopez partikular sa Diversion Road ng Barangay Canda at Danlagan, stranded ang maraming motorista dahil sa baha.


Mahaba rin ang pila ng mga sasakyan sa Maharlika Highway Road sa Barangay Bebito at Magsaysay Poblacion.

Kabilang sa mga stranded ay ang mga pasaherong papuntang Bicol, Sorsogon at Leyte.

Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Quezon Governor Danilo Suarez na kasalukuyan silang naghahanap ng ibang lugar para sa evacuues.

Ginagamit kasi para sa mga COVID-19 cases ang evacuation center sa lalawigan.




Nabatid na aabot sa 2,312 na pamilya o 5,783 indibidwal ang apektado ng bagyo sa Quezon Province.

Facebook Comments