Ilang nagtitinda ng school uniform sa Divisoria, bahagyang nagtaas ng presyo; Bentahan ng school supplies, matumal pa rin!

54

Tumaas ang bentahan ng school uniform sa Divisoria sa gitna ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Aminado ang ilang mga nagtitinda na bahagya na silang nagtaas ng presyo ng mga paninda.

Ang blouse at polo na small size ay nasa P200 na ang presyo; habang nasa P220 naman ang medium; P240 ang size na large; at P250 hanggang P260 ang extra-large.


Ang presyo naman ng slacks at palda ay nasa P200 ang small size; P220 ang medium; P240 ang large; at P250 ang extra large.

Habang ang presyo naman ng black leather shoes ay naglalaro na sa P150 hanggang P250, depende sa size, at ang mga bags at backpack ay nasa P150 hanggang P250 pesos ang kasalukuyang bentahan.

Samantala, matumal pa rin ang bentahan ng school supplies o gamit sa eskwelahan pero inaasahan ng ilang mga nagtitinda na dadagsa ang mga mamimili kapag mas malapit na ang pasukan.



Facebook Comments