Ilang naka-skedyul na licensure examination, ipinagpaliban ng PRC

44

Inilipat ng Professional Regulation Commission (PRC) ang ilan sa nakatakda sanang licensure examinations sa Hunyo at Agosto.

Kabilang dito ang Master Plumbers Licensure Exams na nakatakda sa July 18 at 19 gayundin ang pagsusulit para sa Guidance Counselors.


Bunga nito, sa Pebrero 2022 na lamang itutuloy ang licensure exams para sa mga tubero habang wala pang eksaktong petsa para sa mga Guidance Counselors.

Nauna nang inilipat ng PRC sa July 3 at 4 ang Nurses Licensure Examination na sana ay ngayong Mayo.

Facebook Comments