Ilang national projects, ililipat ni PBBM sa LGU para sa mas epektibong pagpapatupad

Itutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik ng sistema kung saan ang ilang proyektong dating hawak ng national government ay ililipat na sa mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga proyektong ito ang imprastraktura tulad ng bypass roads, farm-to-market roads, tourism roads, at maging ang rehabilitasyon at pagkukumpuni ng mga school building.

Popondohan pa rin ito ng national government, ngunit ang implementasyon ay direktang isasagawa ng LGU.

Ayon sa pangulo, mas mabilis ang resulta at mas madaling managot ang lokal na opisyal sa kanilang mga nasasakupan kapag pumalpak ang proyekto.

Target nitong pabilisin ang serbisyo, pagandahin ang kalidad ng mga proyekto, at tiyakin ang mas direktang pananagutan sa antas ng lokal.

Facebook Comments