Ilang opisyal ng gobyerno, sangkot sa rice smuggling kaya ngayon lang naipatupad ang pagbebenta ng P20/kilo ng bigas —PBBM

Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung bakit ngayon lang naisakatuparan ang kaniyang pangako na P20 kada kilo ng bigas.

Pagsisiwalat ng Pangulo, naging labis ang rice importation dahil sa sabwatan ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Aminado ang Pangulo na isa sa dahilan ng mataas na presyo ng bigas ay ang walang habas na pag-angkat at smuggling kaya hindi pa umano kayang ipatupad ito noong mga unang taon ng kanyang termino.

Dahil dito, kinailangan muna nilang sugpuin ang katiwalian sa rice importation at ang talamak na smuggling,

Nagsagawa aniya sila ng mga raid sa mga bodega kung saan nadiskubre ng pamahalaan na talagang kinonkontrol ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagho-hoard.

Bukod sa pagsugpo sa smuggling at hoarding, sinabi rin ng Pangulo na kailangang isaayos ng pamahalaan ang burukrasya, mga batas, at palakasin ang imprastruktura para sa produksyon ng bigas.

Sa ngayon, sabi ng Pangulo, naisaayos na nila ang sistema kaya tuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng bentahan ng murang bigas.

Facebook Comments