Davao Oriental, muling niyanig ng lindol; Magnitude 5.3 na pagyanig, tumama sa Tarragona

Ilang oras matapos ang pagtama ng magnitude 5.2 na lindol, muli na namang nilindol ang Davao Oriental.

Naitala naman ngayon ang magnitude 5.3 na pagyanig sa Tarragona na tumama kaninang alas 9:27 ng umaga.

May lalim itong 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang dalawang magkasunod na lindol ay pawang mga aftershock ng magnitude 7.1 na lindol na tumama noong Huwebes, August 12 sa Governor Generoso sa Davao Oriental.

Bunsod nito, nagbabala ang PHIVOLCS sa publiko na asahan pa ang mga aftershock sa mga susunod na oras o araw.

Facebook Comments