Ilang Ordinansa sa Lungsod ng Cauayan, ‘Di Naiimpliminta ng Maayos-SP Member Danilo Asirit!

39

*Cauayan City, Isabela- *Mas marami parin sa mga nagawang ordinansa ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang hindi naiimpliminta sa kabila ng mga naipasang resolusyon at ordinansa ng Lungsod ng Cauayan.

Ito ang inihayag ni Sangguniang Panlungsod Member Danilo Asirit sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga kung saan kanila na umano itong tututukan upang maipatupad ng maayos para sa pagpapanatili sa kapayaapaan at kaayusan ng nasabing Lungsod.

Kaugnay nito ay kanya paring pinasalamatan ang lahat ng mga otoridad at ahensya na nakiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng Lungsod ng Cauayan.

Samantala, maganda naman umano ang resulta ng kanilang pakikipag ugnayan sa mga barangay Offcials kung saan bumaba ang datos ng mga nangyayaring krimen dito sa Lungsod ng Cauayan.

Dahil dito ay kanila pang paiigtingin ang magandang pakikipag ugnayan sa mga local na opisyal ng bawat barangay upang tutukan ang anumang sanhi ng krimen.

Panawagan naman ng konsehal sa mga Cauayeño na dapat makiisa at sumunod sa mga ipinapatupad na ordinansa at alituntunin upang makaiwas sa anumang aberya.

Facebook Comments