Ilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, isinagawa sa bahagi ng Roxas Blvd.

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan bukas.

Kahit masama ang lagay ng panahon, tuloy-tuloy ang pagtatayo ng entablado sa service road ng Roxas Blvd.

Nabatid na magsasagawa ng concert ang ibang grupo kasabay ng ilang mga programa kaugnay sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Maglalagay rin ng one-stop-shop ang ibang sangay ng pamahalaan tulad ng Land Transportation Office (LTO), Social Security System (SSS), Pag-ibig, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at iba pa.

Kaugnay nito, mas lalo pang paiigtingin ng Manila Police District (MPD) ang gagawing pagbabantay katuwang ang lokal na pamahalan ng Maynila.

Magtatalaga rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 1,100 tauban para tumulong sa pagmamando ng trapiko at pagmo-monitor sa mga lugar na pagdarausan ng mga programa kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Facebook Comments