Ilang pang personalidad na damay sa pork barrel scam – kakasuhan ni Janet Lim Napoles sa Dept. of Justice

Manila, Philippines – Anumang araw mula ngayon magsasampa na ng kaso sa tanggapan ng Department of Justice ang kampo ni Janet Lim Napoles sa ilang personalidad na sangkot sa pork barrel scam.

Sa isang interview sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre – nakausap niya si Atty. Stephen David, abogado ni Napoles at binanggit nito sa kanya na nakahanda na ang listahan nila ng mga nakinabang sa PDAF scam.

Kabilang anya sa mga posibleng kasuhan ay mula sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.


Kasama rito sina dating Budget Secretary Butch Abad, Senator Antonio Trillanes, Sen. Leila De Lima at dating Senate President Franklin Drilon.

Itinanggi naman ng kalihim na paghihiganti sa nakaraang administrasyong ang planong paghahain ng reklamo.

Sa ngayon – patuloy na pinag-aaralan ng DOJ ang bagong affidavit ni Napoles para malaman kung kwalipikado itong maging state witness sa mga bagong kaso ng PDAF.
DZXL558

Facebook Comments