Ilang Pangasinense ngayon ang aminadong naglalagi sa mall dahil sa nararanasang init ng panahon.
Ayon sa ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM Dagupan News team, madalas umano sila ngayong mamasyal sa mga mall sa mga oras kung saan posibleng maranasan ang mainit na temperatura sa katawan o heat index.
Ang ilan din sa mga estudyante, pinipili muna ang madalas na pagkain ng kanilang pananghalian sa mga fast food chain o mga karinderya na airconditioned o may sapat na bentilasyon.
Pag-aalala ng mga ito Mahirap na umanong mabiktima ng dehydration at heat stroke lalo at wala na rin itong pinipiling edad.
Mahigpit na paalala ng awtoridad sa pagtaas ng heat index na kung maarinay limitahan ang aktibidad sa labas ng tahanan at ugaliing uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang anumang sakit dulot ng mainit na panahon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨