Nagsimula nang dagsain ng mga Beachgoers ang Lingayen Beach nitong weekend ngayong nararamdaman ang mainit na panahon.
Dumagsa ang mga beachgoers simula alas singko hanggang alas diyes ng umaga kung kailan hindi pa gaanong masakit sa balat ang sikat ng araw ayon sa mga nakaduty na personnel ng LDRRMO.
Anila, pinaghahandaan na ng Lingayen LDRRMO ang dagsa ng turista na magsisipag-uwi sa pagsapit ng Holy Week at ngayong umiiral ang tag-init.
Pinaigting din umano ng awtoridad ang pagbabantay sa seguridad ng mga dumarayo sa dagat sa pakikipagtulungan sa mga cottage at shed owners.
Apela ng tanggapan ang kooperasyon ng publiko upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente tulad ng pagkalunod.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments