
Patuloy ang assessment ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pinsala ng kanilang pasilidad sa southeastern Mindanao ng magnitude 7.5 na lindol na tumama sa baybayin ng Manay, Davao Oriental.
Ayon sa NGCP, base sa inisyal na report, unavailable ngayon ang Davao-Toril 69kV line, Nabunturan-Asuncion 69kV line at Nabunturan-Masara 138kV line.
Ang 69kV lines ay nagsusuplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Davao City, Davao del Norte at Davao de Oro.
Ang power transmission services naman sa Northeastern, North Central, and Southwestern Mindanao ay nananatiling stable.
Facebook Comments









