Ilang personalidad, nagpa-amaze sa publiko dahil sa resulta ng kanilang pagbabawas-timbang

70

Ilang personalidad ang nagpa-amaze sa publiko sa kanilang pagbabawas timbang ngayong umiiral ang Community quarantine dahil sa COVID-19.

Kabilang sa kanila si Alfred Vargas na halos 20 kilo na ang nabawas sa kaniyang timbang.


Say ni alfred, ang sikreto raw niya sa pagpapapayat ay ang, “strict fasting at regular workouts.”

Malaking tulong din aniya ang pagkakaroon ng inspirasyon, para taglayin ang disiplina sa pagbabawas ng timbang.

Hindi naman nagpahuli ang The Voice Kids Champion na si Elha Nympha na ginulat ang marami sa kaniyang nakaka-bighaning body transformation.

Kitang-kita kasi ang kaniyang petite body na inilutang pa ng kaniyang suot na crop shirt at jeans.

Facebook Comments