Ilang Pinoy celebrities, kanya-kanyang post sa kanilang naging pagsalubong sa 2019

200

Kani-kaniyang post ng pasasalamat at pagdiriwang ng Bagong Taon ang ilang Pinoy celebrity.

Ayon kay Maine Mendoza, marami siyang dapat ipagpasalamat sa taong 2018.

Sa kaniyang Instagram post, maliban sa maraming proyekto ay ipinasilip din nito ang ginagawang bagong bahay.

Sabi pa ni Maine, masaya siya at naka-move on na siya sa toxic energy at toxic na mga taong labis na nakaapekto sa kaniya noon.

Si Vice Ganda naman sa Barcelona Spain ipinagdiwang ang Bagong Taon kasama ang kaniyang ina.

Matagal na aniyang gusto ng kaniyang ina na makita ang Sagrada Familia kaya nang magkaroon siya ng tyansa ay dinala niya ito sa Barcelona.

Nagpasalamat naman ang pamilya Dantes sa lahat ng biyaya na kanilang natanggap para sa taong 2018.

Facebook Comments