Ilang residente ng Cainta, Rizal, pina-push up ng mga pulis dahil sa paglabag sa social distancing

31

Pina-push up ng mga tauhan ng Cainta, Rizal Philippine National Police (PNP) ang mga istambay at nakahubad sa Zone 3 at 4 Sitio Halang, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Nabulaga ang mga nag-iistambay sa Sitio Halang, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal nang biglang dumating ang mga pulis ng Cainta at lahat ng mga nagkumpul-kumpol na mga istambay na nakahubad ay pinapunta sa barangay hall at doon sinermonan pagkatapos at pinapush up dahil sa paglabag ng mga ito ng social distancing.


Naghigpit na rin ang Antipolo at Cainta pulis sa isinagawang checkpoint matapos na magpabas ng indefinite lockdown ang Local Government Unit (LGU) ng Rizal kung saan pinagbabawalang pumasok sa Rizal ang mga hindi residente ng naturang lalawigan.

Tanging ang mga frontliners, media at mga health workers o may kinalaman sa pagbibigay serbisyo sa mamayang Pilipino ang pinapayagang makapasok sa lalawigan ng Rizal.

Facebook Comments