Ilang residente ng Parañaque, dismayado sa isinagawang pagbabakuna ng Sputnik V

33

Dismayado at galit ang ilang mga residente sa Parañaque matapos pumila ng mahabang oras para magpaturok ng Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia.

Ang mga residente kasi ay hindi rin nabakunahan sa kabila ng itinagal ng kanilang paghihintay sa pila.

Reklamo ng isang residente, binigyan sila ng numero pero hindi naman sinasabi kung ilang ang kayang i-accommodate kahapon para sa pagbabakuna.


Paliwanag naman ni Task Force Parañaque Chief Colonel Rolly Santiago, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga residente at ng mga organizers sa vaccination site.

Pero, sinabi naman ng ilang nakapila na wala man lamang “effort” ang mga local officials na ipaliwanag sa kanila ang sitwasyon.

Dagdag pa dito, iniwan lamang sila nakatengga nang maubos ang numerong ibinibigay at biglang pinauwi.



Facebook Comments